On being a mom...
Sobrang naappreaciate kong maging mama.. mahirap kasi working mom ako lalo na nung mga panahong wala pa kaming yaya pero ngayon na binabalikan ko yung alaala ng mga pagsasakripisyo ko ng maraming tulog para alagaan ang anak ko ay nagging proud ako sa sarili ko. Hindi madali pero nalagpasan ko. Hindi ko magagawa kung ako lang magisa. Kasama ko ang asawa ko sa lahat ng pagkakataon. Naappreaciate ko yung paghagod nya sa likod ko kaoag napapaiyak ako sa mababaw na mga bagay lalo na kapag napapagod na ko sa maghapong pagaalaga sa anak namin at pagkatpos ay papasok sa trabaho sa gabi. Kapag nararamdaman ko na masaya ang pamilya namin at payapa kmi, napapahinga na lng ako ng malalim at napapangiti. Isa pa din ako sa mga masswerteng nanay at asawa. 😊
Saturday, March 12, 2016
Tungkol sa pag angat sa buhay...
Bkit kaya may mga taong umangat ka lang ng konti sa buhay, iniisip nila na madamot ka na o nagyayabang ka na kapag hindi mo sila napagbigyan sa gusto nila... hindi ba nila nakikita na may pangangailanagn ka din na pinupunan? At bkit kaya binabalewala nila yung pagsisikap mo na iangat ang sarili mo para hindi ka umasa sa iba para sa pangangailangan mo. Tutulong ka naman pero hindi sa paraang gusto nila kundi sa paraan mo. Alam mo naman ang mga taong totoong nangangailangan. Mas masarap tumulong sa mga ganun kesa sa mga taong kaya naman umangat sa sarili nila pero dahil may nakikita silang pwede nilang kapitan para umangat din eh kakapit na lang pero sa huli pareho na kayong palubog. Tsk tsk...
Subscribe to:
Posts (Atom)